Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Pag-ibig at Pagsuyo



PAG-IBIG AT PAGSUYO
Titik nina: Bobet Mendoza at Joey Asidera
Himig ni: Bobet Mendoza
Instrumentalista: Bobet Mendoza para sa gitara (nylon): Mar Laguna para sa gitara (steel); at Noel Cabangon para sa synthesizer (pan flute, bass-violin)
Umawit: Razel Jamizola at Joey Asidera


Babae: 
Masdan mo ang paglubog ng araw
Tila ba unti-unting pumapanaw
At wari'y hindi na muling matatanaw.


Babae:
Gabi'y darating ang oras ay lilipas
Balisa ang isip sa pagdating ng bukas
Umaasang liwanag ay muling mamalas.


Koro - Dueto:
Ganyan ang ating pag-ibig at pagsuyo
Na hindi kaylanman mapapasuko
Kung tayo man ay magkakalayo
Layunin at damdamin hindi maglalaho.


Lalaki:
Subalit kung sa ati'y mailap ang bukas
Ang pag-ibig natin ay hindi kukupas
Tulad ng titis pilit magniningas.


Lalaki:
Kasabay ng buwan at bituin sa langit
Magsasaboy ng liwanag sa gabing tahimik
Upang bukas ay may umagang sasapit.


Ulitin ang koro
Kung tayo man ay magkakalayo
Layunin at damdamin ay hindi maglalaho


Tulay:
Pag-ibig at pagsuyo di maglalaho.



(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento