TANDAAN MO, MAHAL KITA, KASAMA KO
Titik at Himig ni: Allison "Ariel" Opaon
Instrumentalista: Allison "Ariel" Opaon para sa gitara (nylon); Mar Laguna para sa gitara (steel-lead); at Noel Cabangon para sa gitara (string)
Umawit: Allison "Ariel" Opaon
Sa mahabang panahong nakalipas
Matinding hirap at gutom dinanas
Ngunit nanatiling magkakapit-bisig
Hinarap ang panunupil at pang-uusig.
Masakit isiping tayo'y magkawalay
Pakikibaka'y malapit nang magtagumpay
Sa nakaraan tayo'y dukha't salat
Pagkain na kaunti pinagsaluhan ng lahat.
Koro:
Kabahagi ka na sa puso ko, oh, kasama
Kasaysayan ko sa buhay, ikaw'y napabilang na
Di ko mapigilan ang luha'y papatak
Ngunit mapipigilan ko ang aking pag-iyak.
Sa oras na tayo'y magkakalayo
May dako pa kayang tayo'y magkatagpo
Hindi ka kaya mag-iiba o magbabago
Tandaan mo, mahal kita, kasama ko.
(Ulitin ang koro)
Paalam, paalam na sa iyo
Tandaan mong mahal kita,
Mahal kita, kasama ko
(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento