WELGANG BAHAY, WELGANG BAYAN
Titik nina: Oscar Roman at Mar Laguna
Himig ni: Mar Laguna
Instrumentalista: Noel Cabangon para sa gitara (steel-lead, steel-rhythm); at Gary Granada para sa gitara (nylon rhythm), sythesizer
Umawit: Nancy Belmonte
Sa bawat pagkilos, magsama-sama tayo
Sa bawat bigkis, magtatagumpay tayo
Lakas nati'y di biro, di kayang ibuwal
Pare ko, 'yan ba'y totoo?
May ilang kasama, magaling sa salita
Kapag may kahilingan, kasama sa biyaya
Kapag may paghihirap, unang nawawala
Pare ko, 'yan ba'y totoo?
Koro:
Welgang bahay, welgang bayan
Nasaan ka puro ka lang dada
Ang sabi mo noon, ikaw'y aming kasama
Ngawa ka ng ngawa, kulang ka naman sa gawa.
Welgang bahay, welgang bayan
Nasaan ka, puro ka lang porma
Welgang bahay, o welgang bayan
Pare ko, 'yan ba'y totoo?
Adlib
(Ulitin ang koro at III saknong)
Pare ko, alin kaya ang tama?
(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento