TAO AKO, KARAPATAN KO
Titik at Himig ni: Allison "Ariel" Opaon
Instrumentalista: Bobet Mendoza para sa gitara (nylon); at Noel Cabangon para sa gitara (steel)
Umawit: Teatro Pabrika
Sapul nang ako'y mamulat ay aking nakikita
Maitim na ulap sa paligid ko naglipana
Mala-basahang mga bata, mamamayang dukha
Kinitil na kalayaan sa matang may luha.
Magsasaka, inaaping uri sa lipunan
Inagaw ang lupa ng sakim na iilan
Hiling mo'y makataong kalagayan
Lupang taniman, hindi lupang libingan.
Koro:
Bala, pandarahas, pananakot nakamit
Kamay na bakal nakatutok handang kumalabit
Dugo sa lupa uusig sa mapagsamantala
Hindi titigil ang bayan hanggang walang laya.
Sa kanang kamay hawak ay maso
Panday ka ng lipunan at lahing Pilipino
Hiling mo'y lipunang makatao
Ngunit ang kasagutan nila'y nagbabagang punglo.
Tao ako, karapatan ko, 'wag mong agawin
Sisiklab ang poot ng dibdib di mapipigil
Karapatan, karapatan bilang tao
Igalang mo nang tumahimik itong mundo.
(Ulitin ang koro, simula sa "Pandarahas")
Dugo sa lupa uusig sa mapagsamantala
Hindi titigil ang bayan hanggang walang laya.
(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento