Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Paraisong Rehas



PARAISONG REHAS
Titik nina: Mar Laguna, Bobet Mendoza, Joey Asidera, Nancy Asidera, Doray Mendoza, at Oscar Roman
Himig nina: Mar Laguna at Bobet Mendoza
Instrumentalista: Noel Cabangon para sa gitara (nylon, rhythm) at synthesizer (windbells); at Mar Laguna para sa gitara (acoustic-steel)
Umawit: Teatro Pabrika


Kalikasan ng mundo nilikha para sa tao
Sariwa ang hanging iyong masasamyo
Malaya ang mga ibong masasayang nag-aawitan
Sa luntiang kagubatan sila'y naninirahan.


Mayamang kalikasan tila maglalaho na
Hanging malalanghap ngayo'y may lason na
Wala na ang himig ng mga ibong nag-aawitan
Sa kalbong kagubatan na siyang pinamumugaran.


Koro:
Dating paraiso bakit ngayo'y may rehas na
May paghahari at pagsasamantala
Halos itong mundo'y sirain na.


Kaya ngayon tayo ay gutom na nilalang
Na binubusog ng kasinungalingan
Naghahanap ng kapayapaan at katarungan
Na ipinagkait ng sakim na iilan.


Nasaan ang daang maghahatid sa atin
Sa iisang landas ng simulain
Upang tubusin ang hirap na taglay natin
At upang paraiso'y muling mapasaatin.


(Ulitin ang koro)
Paraiso natin ngayo'y nasaan na
Hmmmmmmm...



(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento