Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Ituloy ang Laban


ITULOY ANG LABAN
Titik at Himig ni: Allison "Ariel" Opaon
Instrumentalista: Noel Cabangon para sa gitara (acoustic)
Umawit: Teatro Pabrika


Mapula na ang dakong silangan
Sinag ng araw ang matatanaw
Magwawakas na ang kapangyarihan
Ng mapang-aping dayuhan.


Ituloy mo ang laban hanggang magtagumpay
Ang kalayaan mo'y nasa iyong kamay
Kapakanan ng bayan ang ipaglaban
Tigreng bandila'y ibagsak nang tuluyan.


Koro:
Ganap na demokrasya ang mangingibabaw
Tunay na kasarinlan ang makakamtan
Walang pagsasamantala
Sa lahat ng dako ng bansa.


(Ulitin ang 2 saknong)


Tigreng bandila'y ibagsak nang tuluyan.




(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

1 komento:

  1. Tanong lang po, san po pwede makakabili o makahingi ng mp3 copy ng mga kanta na ito. salamat po.

    TumugonBurahin