Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Ituloy ang Laban


ITULOY ANG LABAN
Titik at Himig ni: Allison "Ariel" Opaon
Instrumentalista: Noel Cabangon para sa gitara (acoustic)
Umawit: Teatro Pabrika


Mapula na ang dakong silangan
Sinag ng araw ang matatanaw
Magwawakas na ang kapangyarihan
Ng mapang-aping dayuhan.


Ituloy mo ang laban hanggang magtagumpay
Ang kalayaan mo'y nasa iyong kamay
Kapakanan ng bayan ang ipaglaban
Tigreng bandila'y ibagsak nang tuluyan.


Koro:
Ganap na demokrasya ang mangingibabaw
Tunay na kasarinlan ang makakamtan
Walang pagsasamantala
Sa lahat ng dako ng bansa.


(Ulitin ang 2 saknong)


Tigreng bandila'y ibagsak nang tuluyan.




(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Lipunang Makatao


LIPUNANG MAKATAO
Nagwagi sa unang gantimpala sa timpalak sa awit na pinamahalaan ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR)
Titik ni: Resty Domingo
Himig nina: Mar Laguna, Bobet Mendoza, Joey Asidera, at Elena Cruz
Instrumentalista: Noel Cabangon para sa gitara (nylon, steel), synthesizer, (strings); Angelo Villegas para sa gitara (bass); at Rene Santos para sa drum set
Umawit: Razel Amisola (solo); Teatro Pabrika (koro)

Solo:
Luha'y dumadaloy sa mugto mong mga mata
Larawan mo'y kalungkutan at kawalan ng pag-asa
Magagandang pangarap sa buhay mo'y di makita
Nabubuhay ka sa panahong mapagsamantala.

Koro:
Gumising ka, kaibigan, ang isip mo'y buksan
Dapat mong tuklasin ang tunay na kadahilanan
Bakit may naghihirap na gaya mo sa lipunan
At sa dako roo'y hanapin ang kasagutan.

Tama ka, kaibigan, sila nga ang dahilan
Ang mapagsamantalang uri sa lipunan
Likhang yaman natin, sila ang nangangamkam
Na dapat mapasaatin at sa buong sambayanan.

Koro:
Tumindig ka, kaibigan, tayo nang magpasya
Panahon nang wakasan ang pagsasamantala
Sa diwa ng layunin tayo'y magkaisa
Lipunang makatao'y itindig ng buong sigla
Buong Sigla.

(Instrumental)
(Acapela ng koro)
(Ulitin ang koro kasama ng instrumento)

Tumindig ka, kaibigan, tayo nang magpasya.



(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Tandaan Mo, Mahal Kita, Kasama Ko


TANDAAN MO, MAHAL KITA, KASAMA KO
Titik at Himig ni: Allison "Ariel" Opaon
Instrumentalista: Allison "Ariel" Opaon para sa gitara (nylon); Mar Laguna para sa gitara (steel-lead); at Noel Cabangon para sa gitara (string)
Umawit: Allison "Ariel" Opaon

Sa mahabang panahong nakalipas
Matinding hirap at gutom dinanas
Ngunit nanatiling magkakapit-bisig
Hinarap ang panunupil at pang-uusig.

Masakit isiping tayo'y magkawalay
Pakikibaka'y malapit nang magtagumpay
Sa nakaraan tayo'y dukha't salat
Pagkain na kaunti pinagsaluhan ng lahat.

Koro:
Kabahagi ka na sa puso ko, oh, kasama
Kasaysayan ko sa buhay, ikaw'y napabilang na
Di ko mapigilan ang luha'y papatak
Ngunit mapipigilan ko ang aking pag-iyak.

Sa oras na tayo'y magkakalayo
May dako pa kayang tayo'y magkatagpo
Hindi ka kaya mag-iiba o magbabago
Tandaan mo, mahal kita, kasama ko.

(Ulitin ang koro)

Paalam, paalam na sa iyo
Tandaan mong mahal kita,
Mahal kita, kasama ko



(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Tao Ako, Karapatan Ko


TAO AKO, KARAPATAN KO
Titik at Himig ni: Allison "Ariel" Opaon
Instrumentalista: Bobet Mendoza para sa gitara (nylon); at Noel Cabangon para sa gitara (steel)
Umawit: Teatro Pabrika

Sapul nang ako'y mamulat ay aking nakikita
Maitim na ulap sa paligid ko naglipana
Mala-basahang mga bata, mamamayang dukha
Kinitil na kalayaan sa matang may luha.

Magsasaka, inaaping uri sa lipunan
Inagaw ang lupa ng sakim na iilan
Hiling mo'y makataong kalagayan
Lupang taniman, hindi lupang libingan.

Koro:
Bala, pandarahas, pananakot nakamit
Kamay na bakal nakatutok handang kumalabit
Dugo sa lupa uusig sa mapagsamantala
Hindi titigil ang bayan hanggang walang laya.

Sa kanang kamay hawak ay maso
Panday ka ng lipunan at lahing Pilipino
Hiling mo'y lipunang makatao
Ngunit ang kasagutan nila'y nagbabagang punglo.

Tao ako, karapatan ko, 'wag mong agawin
Sisiklab ang poot ng dibdib di mapipigil
Karapatan, karapatan bilang tao
Igalang mo nang tumahimik itong mundo.

(Ulitin ang koro, simula sa "Pandarahas")

Dugo sa lupa uusig sa mapagsamantala
Hindi titigil ang bayan hanggang walang laya.


(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Welgang Bahay, Welgang Bayan



WELGANG BAHAY, WELGANG BAYAN
Titik nina: Oscar Roman at Mar Laguna
Himig ni: Mar Laguna
Instrumentalista: Noel Cabangon para sa gitara (steel-lead, steel-rhythm); at Gary Granada para sa gitara (nylon rhythm), sythesizer
Umawit: Nancy Belmonte


Sa bawat pagkilos, magsama-sama tayo
Sa bawat bigkis, magtatagumpay tayo
Lakas nati'y di biro, di kayang ibuwal
Pare ko, 'yan ba'y totoo?


May ilang kasama, magaling sa salita
Kapag may kahilingan, kasama sa biyaya
Kapag may paghihirap, unang nawawala
Pare ko, 'yan ba'y totoo?


Koro:
Welgang bahay, welgang bayan
Nasaan ka puro ka lang dada
Ang sabi mo noon, ikaw'y aming kasama
Ngawa ka ng ngawa, kulang ka naman sa gawa.


Welgang bahay, welgang bayan
Nasaan ka, puro ka lang porma
Welgang bahay, o welgang bayan
Pare ko, 'yan ba'y totoo?


Adlib
(Ulitin ang koro at III saknong)


Pare ko, alin kaya ang tama?




(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)



Sweet na Sweet


SWEET NA SWEET
Titik at Himig nina: Mar Laguna at Leo Chavez
Instrumentalista: Noel Cabangon para sa lahat ng gitara at synthesizer (tambourine, cymbals, bonggos); at Rey Arsulo para sa marakas
Umawit: Connie dela Cruz at Allison "Ariel" Opaon

Binata:
Kaytagal ko nang nanunuyo sa mahal kong sinasamba
Araw-gabi iniisip, gusto'y laging nakikita.

Dalaga:
Sa isip ko'y walang-wala ang salitang pagsinta
Gusto ko'y laging mag-overtime para ako magkapera.

Binata:
Paano naman ang puso kong tinatambol ng pag-ibig
Sulyap dito, sulyap doon, sa pisngi mo nakatitig
Nangangarap, umaasam tayong dalawa'y magsing-ibig
Pati unan gutay-gutay sa umaga pagkagising.

Dalaga:
Ikaw ba'y may pera na't ako'y iyong pinipili
Pambili nga ng sigarilyo'y nanghihingi ka pa ng diyes.

Binata:
Handa ako na kumayod, pati hweteng papasukin
Upang pera'y makalikom saka kita hihimukin
Sabay halik sa pisngi mong parang manggang manibalang
Kagatin mo't di kagatin, tutulo ang iyong laway.

Dueto:
Ngayon kami'y magsyota na
Very loving at sweet na sweet
Kaya lang ay may problemang
Di namin maiwaglit
Paano kung makasal nang saka kami magkapaslit
Makakain ba ng anak ang salitang "sweet na sweet"
Maghahanda muna kami saka kami manglilingkis
Maghahanda muna kami saka kami manglilingkis
Nang "sweet na sweet".



(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Paraisong Rehas



PARAISONG REHAS
Titik nina: Mar Laguna, Bobet Mendoza, Joey Asidera, Nancy Asidera, Doray Mendoza, at Oscar Roman
Himig nina: Mar Laguna at Bobet Mendoza
Instrumentalista: Noel Cabangon para sa gitara (nylon, rhythm) at synthesizer (windbells); at Mar Laguna para sa gitara (acoustic-steel)
Umawit: Teatro Pabrika


Kalikasan ng mundo nilikha para sa tao
Sariwa ang hanging iyong masasamyo
Malaya ang mga ibong masasayang nag-aawitan
Sa luntiang kagubatan sila'y naninirahan.


Mayamang kalikasan tila maglalaho na
Hanging malalanghap ngayo'y may lason na
Wala na ang himig ng mga ibong nag-aawitan
Sa kalbong kagubatan na siyang pinamumugaran.


Koro:
Dating paraiso bakit ngayo'y may rehas na
May paghahari at pagsasamantala
Halos itong mundo'y sirain na.


Kaya ngayon tayo ay gutom na nilalang
Na binubusog ng kasinungalingan
Naghahanap ng kapayapaan at katarungan
Na ipinagkait ng sakim na iilan.


Nasaan ang daang maghahatid sa atin
Sa iisang landas ng simulain
Upang tubusin ang hirap na taglay natin
At upang paraiso'y muling mapasaatin.


(Ulitin ang koro)
Paraiso natin ngayo'y nasaan na
Hmmmmmmm...



(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Makauring Kamalayan


MAKAURING KAMALAYAN
Titik at Himig ni: Allison "Ariel" Opaon
Instrumentalista: Bobet Mendoza para sa gitara (nylon); Noel Cabangon para sa gitara (steel, bass) at synthesizer (koto tremolo); Rey Arsulo para sa marakas; at Mar Laguna para sa gitara (steel)
Umawit: Teatro Pabrika

Ikaw at ako'y may adhikain
Na ang sambayana'y pag-isahin
Upang higit na maisusulong
Ang kalayaan na nilalayon.

Higit mong panghawakan
Ang iyong karapatan
Patatagin ang iyong isipan
Itindig ang sambayanang luhaan.
(Isulong ang sambayanang lumalaban.)

Koro:
Linangin ang makauring kamalayan
Tungo sa maunlad na lipunan
Ito'y mabisang sandata, kasama
Para sa ating paglaya.

(Ulitin ang 1 at 2 saknong, 2x koro)

Tulay:
Para sa ating paglaya.



(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Pag-ibig at Pagsuyo



PAG-IBIG AT PAGSUYO
Titik nina: Bobet Mendoza at Joey Asidera
Himig ni: Bobet Mendoza
Instrumentalista: Bobet Mendoza para sa gitara (nylon): Mar Laguna para sa gitara (steel); at Noel Cabangon para sa synthesizer (pan flute, bass-violin)
Umawit: Razel Jamizola at Joey Asidera


Babae: 
Masdan mo ang paglubog ng araw
Tila ba unti-unting pumapanaw
At wari'y hindi na muling matatanaw.


Babae:
Gabi'y darating ang oras ay lilipas
Balisa ang isip sa pagdating ng bukas
Umaasang liwanag ay muling mamalas.


Koro - Dueto:
Ganyan ang ating pag-ibig at pagsuyo
Na hindi kaylanman mapapasuko
Kung tayo man ay magkakalayo
Layunin at damdamin hindi maglalaho.


Lalaki:
Subalit kung sa ati'y mailap ang bukas
Ang pag-ibig natin ay hindi kukupas
Tulad ng titis pilit magniningas.


Lalaki:
Kasabay ng buwan at bituin sa langit
Magsasaboy ng liwanag sa gabing tahimik
Upang bukas ay may umagang sasapit.


Ulitin ang koro
Kung tayo man ay magkakalayo
Layunin at damdamin ay hindi maglalaho


Tulay:
Pag-ibig at pagsuyo di maglalaho.



(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)

Salamat, Karanasan


SALAMAT, KARANASAN
Titik at Himig ni: Allison "Ariel" Opaon
Instrumentalista: Bobet Mendoza para sa gitara (nylon); Allison "Ariel" Opaon para sa gitara (steel-rhythm); at Noel Cabangon para sa gitara (steel-acoustic)
Umawit: Teatro Pabrika
Dagdag na salaysay: Allison "Ariel" Opaon at Evelyn Tila

Hindi na mabibilang ang hirap na dinanas
Sa lamig ng gabi, sa ulan na pumapatak
Kumakalam na sikmura napagtiisan
Ang lahat ng mga ito'y napagtagumpayan.

Koro: 
Salamat, maraming salamat, kababayan
Sa aming paghihirap kayo'y kaagapay
Salamat din sa nasabing karanasan
Natuto kami na manindigan.

(Dagdag na salaysay na nagpapaliwanag sa dahilan at layunin ng Haranang Bayan)

Hindi pa mababatid kung kailan matatapos
Ang paghihirap namin dito sa piketlayn
Ngunit kami ay hindi manlulupaypay
Hanggang sa aming makamit ang tagumpay.

(Ulitin ang koro ng dalawang beses)





(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)



Haranang Bayan


HARANANG BAYAN
Titik nina: Bobet Mendoza, Mar Laguna, Ojie Santos at Oscar Roman
Himig nina: Mar Laguna, Joey Asidera, at Bobet Mendoza
Instrumentalista: Bobet Mendoza para sa gitara (nylon); at Noel Cabangon para sa gitara (steel, lead), kubing, tongatong, synthesizer (drums) at plauta
Umawit: Evelyn Tila; at Allison "Ariel" Opaon; Teatro Pabrika (koro)

Solo:
Kami sa maghapon ang pawis ay tumutulo
Sa katawan at bisig kadalasa'y natutuyo
Bawat isa sa atin ay di nagkakalayo
Gutom at hirap ating natatamo.

Solo:
Sa tinakbo ng kasaysayan
Marahil ay alam mo na
Bayan na sinasabing mayroong demokrasya
Ang katotohanan ay dapat na nating makita
Sa haranang ito sana ay madama.

Dueto:
Awit namin ay dinggin
At inyong bigyang pansin
Ito'y para sa amin, sa kanila at sa inyo rin

Solo:
Awit ng ating buhay
Mula noon hanggang ngayon
Halina't samahan
Huwag sayangin ang panahon.

Koro:
Ang mga awiting sa inyo ay aming alay
Awit ng pag-ibig at ng aming buhay
Ng pakikibaka ng sambayanan
Tungo sa ating minimithing kalayaan.

Haranang Bayan ang tanging gamit
Sana'y maging aral ng mithii'y makamit
Sa tulog na isipan at matang nakapikit
Sana'y maging daan sa kalayaang laging sambit.

Masarap damhin kung tayo ay sama-sama
Sa anumang larangan, antas ng pakikibaka
Sa paraang ito ng gawaing pangkultura
Ambag sa pagbabago, tayong lahat magkaisa
Ambag sa pagbabago, tayong lahat magkaisa.

Haranang Bayan!




(Sinipi ang awit na ito mula sa cover ng cassette tape album na pinamagatang "Haranang Bayan", na inihandog ng Teatro Pabrika sa pakikipagtulungan ng Philippine Educational Theater Association (PETA), na inilunsad noong mga unang bahagi ng 1990s.)




Paliwanag mula sa album na pinamagatang Haranang Bayan:

HARANANG BAYAN

Isang nakagawiang paraan ng mga manggagawa sa pagpapalaganap at pagpapahayag ng mga problemang kanilang kinakaharap sa loob at labas ng pagawaan ay sa pamamagitan ng mga awitin, ang "Haranang Bayan". Ito'y pananapatang kinapapalooban ng mga makauring awitin at mga orihinal na komposisyon ng mga manggagawa. Layunin din nito ang paghingi ng tulong pinansyal at materyal sa mga bahay-bahay, sa komunidad, mga institusyon at iba pang mga samahan upang matugunan ang mga gastusin sa panahon ng paghahanda sa isang pagkilos, laluna sa panahong ang mga manggagawa ay nasa piketlayn. Batay sa karanasang ito, isang mabisang paraan din ng pagpapalaganap ng kulturang manggagawa ang Haranang Bayan.

Ang Teatro Pabrika ay samahan ng mga grupo at manggagawang pangkultura na nagmumula sa iba't ibang pagawaan. Ito ang tumatayong sentrong samahan ng mga manggagawang pangkultura sa National Capital Region at Rizal (NCRR).